Showing posts with label Tunay na Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Tunay na Pinoy. Show all posts

Wednesday, July 7, 2010

Sampung Bagay na Hindi Mawawala sa Bahay ng isang Totoong Pinoy


  1. Estante na puno ng mga pictures na nasa frame
  2. Kalendaryo ng Politiko, o ng El Shaddai, o di kaya ng Mercury Drug. Basta kalendaryo, na free.
  3. Orange Juice o Coke na nasa baso (kung bisita ka), na kakabili lang ng nautusang batang paslit
  4. Picture ng kamag-anak o kapamilya na nasa abroad
  5. Imahe ng Sto. Niño (na iba-iba ang costume) o ng Birhen
  6. Ang Last Supper na picture sa kainan
  7. Estante na punong-puno ng mga ceramic figurines at mga souvenires sa binyag o kasal
  8. Pangkamot ng likod na gawa sa kahoy (yung mga galing Baguio)
  9. Tae ng aso
  10. Halo halong mga tsinelas na sipit sa labas ng pinto
Photo from this link

Sunday, July 19, 2009

Ang Tunay na Pinoy nagpapatayan sa kantang My Way




Sa kung ano mang hindi ma-isplika na dahilan, ang pagiging isang Tunay na Pinoy ay hindi magiging ganap kung ikaw ay hindi namatay, nakapatay, nakipagpatayan, muntik mamatay o makapatay, o nakakita ng patayan alang-alang sa kantang My Way ni Frank Sinatra.

Ito ay labis na katotohanan sa kultura ng Pinoy, Basahin ito

Nasasaad sa Wikipedia: "My Way" is one of the most popular songs sung in karaoke bars around the world, to the point that it has been reported to cause numerous incidents of violence and homicides among drunkards in bars in The Philippines. [8]


Ayon nga sa kasabihan, "sa mga karaoke bar o beerhouse (lalo na yung mga sa tabi-tabi lang) ay naghaharap ang mga taong hindi dapat uminom, at ang mga taong hindi dapat kumanta."

Hanep talaga.

Illustration By Rey Rivera from this link


Friday, July 17, 2009

Tunay na Pinoy ang naka-shades. Kahit hindi maaraw.



Ang mga Pinoy ay mahilig mag suot ng shades. Ang shades ay isang palamuti o accessory sa mukha, na normally ay sinusuot pag mataas ang sikat ng araw.

Tila nga nakuha sa kultura ng mga puti, ang tunay na Pinoy ay nakaugalian nang magsuot nito kahit nasa loob ng bahay, opisina, o madalas ay kahit sa mga gimikan pag gabi.

Minsan (o madalas) pa ay may babati sa paligid na, "ang taas ng araw ah"

Kalimitan ay isa na itong standard sa mga public figures na nakukuhaan in public na dawit sa intriga, scandal, kontrobersiya, o sadya lamang na sikat ang dating.

Tunay kang Pinoy, stylish!

In Photo: Hon. Eddie Gil

Tuesday, June 30, 2009

Mabangis ang Punla ng Tunay na Pinoy


BATISTA

Matindi ang punla ng tatay ni Batista na isang Tunay na Pinoy. Mantakin mo naka-harang ng isang purong Greek na babae ang isang ordinaryong Pinoy sa Amerika, at naka-buo ng isang ganitong klaseng higanteng nilalang.

Maiisip mo ba na nakapag produce ito ng isang superstar wrestler na tulad nitong si Batista?

Ang mga isaw pa lang na namumuo sa mga braso nito, kitang kita mo na ang bangis ng semilya ng isang purong bugoy na Pinoy.

May pa-tato tato pa ito ng Philippine Flag na nalalaman.

Panalo. Props sa erpats ni Dave

Photo from this link

Tunay na Pinoy Magaling mag Magic - Hindi kailangang mag trabaho para mag bisyo




"Pag may trabaho ka na, tsaka ka mag bisyo anak", sambit ng nanay sa pilyong anak.

Ang mga Tunay na Pinoy ay walang trabaho at naka tambay lang buong araw. Wala silang pera pambili ng pagkain o pampaaral sa mga anak nila, regular na trabaho, o pinagkaka kitaan. Makikita mo silang pakalat-kalat buong araw sa lansangan at wala ginagawa...pero pag sapit ng takip-silim...

MAGIC!

Sila ay tila nagiging Don at may unlimited na pang inum ng iba't ibang klase ng alak. Biglang napupuno ang bulsa nila at sigeng hugot ng pambili - sapat sa inumang hanggang kinabukasan.

Krispy at delicious pa ang mga pulutan nila, chols.


Paano yan nangyayari? Magic.

oo nga..totoong magic...pramis.

Dahil hindi din ito ma-isplika ng kahit na anong agham...magic nga.

Photo from this link

Tunay na Pinoy ay hindi kilala si Ninoy Aquino




Tunay na Pinoy ka kung hindi mo kilala si Ninoy Aquino, maliban sa pagkakakilalang nasa limandaang piso (P500) ang mukha nya na naka-salumbaba.

Sa taon-taon na pag ce-celebrate ng Ninoy Aquino Day (Araw ng Kabayanihan ni Ninoy ang opisyal na tawag dito), bukod sa National Holiday ang alam ng mga tunay na Pinoy, ay alam din nila na Bayani daw ito.

Pero ang Tunay na Pinoy ay hindi kilala si Ninoy Aquino, maliban sa kaalaman na tatay ito ni Kris ...at dati nga daw kasi itong naging Presidente ng Pilipinas. (Kung tanungin kung kailan naging presidente, ay hindi ko din alam.)

Totoo.


Photo from this link