Friday, July 24, 2009

Ang Tunay na Pinoy may sariling lyrics ng Angelina

Kung ikaw ay may malay-tao na nung mga taong 1991-92, bata man o matanda, hindi ka tunay na Pinoy kung hindi mo alam ang tagalog lyrics ng kantang "Angelina" ng P.S.Y. (o, hindi nyo nga alam kung sino ang kumanta nun). Yung kantang iba ang language at sinasayaw ni Christina Gonzales.

At dahil mahilig ang mga Pinoy sa mga kantang hindi naman nila naiintindihan, gumawa na lamang sila ng sarili nilang lyrics ng chorus nito.

...at sa totoo lang, bilib ako sa naka-isip at unang nagpa-uso ng lyrics na ito... akalain mo swak na swak sa tono at tunog ng bigkas ng kanta! Pilyo.

Tunay na Pinoy si Susan


Marahil wala nang hihigit pa sa creativity ng title ng TV Show na ito ni Susan Enriquez...

dahil ang mga tunay na Pinoy ay palaging may pa-haging na bahagyang kabastusan at mabentang mabenta ito sa kanila. Mainam ang pagkaka-akma ng title sa tema at sa pangalan ng host ng nasasabing show.

Siguro nga't mejo malayo ang tema sa original material, pero catchy pa din.

Kaya sige, ngayon na't

Tumayo ang testigo! ...

Kay Susan Tayo!

...mas okey kung isisigaw mo ito habang nakapisil ang kamay sa ilong. Yung para bang ngo-ngo

hehe. classic.

Sunday, July 19, 2009

Ang Tunay na Pinoy nagpapatayan sa kantang My Way




Sa kung ano mang hindi ma-isplika na dahilan, ang pagiging isang Tunay na Pinoy ay hindi magiging ganap kung ikaw ay hindi namatay, nakapatay, nakipagpatayan, muntik mamatay o makapatay, o nakakita ng patayan alang-alang sa kantang My Way ni Frank Sinatra.

Ito ay labis na katotohanan sa kultura ng Pinoy, Basahin ito

Nasasaad sa Wikipedia: "My Way" is one of the most popular songs sung in karaoke bars around the world, to the point that it has been reported to cause numerous incidents of violence and homicides among drunkards in bars in The Philippines. [8]


Ayon nga sa kasabihan, "sa mga karaoke bar o beerhouse (lalo na yung mga sa tabi-tabi lang) ay naghaharap ang mga taong hindi dapat uminom, at ang mga taong hindi dapat kumanta."

Hanep talaga.

Illustration By Rey Rivera from this link


Saturday, July 18, 2009

Havaianas VS. Spartan






























Mula sa mga bentang paksa na natatanggap ko sa aking Email, Ang Havianas VS. Spartan!

Siguro nagkalat na ito sa internet nuon pa, pero pino-post ko lang dito...Astig kasi eh

TALE OF THE TAPE:

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas


CONLUSION:

Kung sino man ang nagsulat o naka isip nito, Tunay kang Pinoy! isa kang keen observant at nadale mo ang katotohanan tungkol sa mga sipit na tsinelas na ito.

Friday, July 17, 2009

Tunay na Pinoy ang naka-shades. Kahit hindi maaraw.



Ang mga Pinoy ay mahilig mag suot ng shades. Ang shades ay isang palamuti o accessory sa mukha, na normally ay sinusuot pag mataas ang sikat ng araw.

Tila nga nakuha sa kultura ng mga puti, ang tunay na Pinoy ay nakaugalian nang magsuot nito kahit nasa loob ng bahay, opisina, o madalas ay kahit sa mga gimikan pag gabi.

Minsan (o madalas) pa ay may babati sa paligid na, "ang taas ng araw ah"

Kalimitan ay isa na itong standard sa mga public figures na nakukuhaan in public na dawit sa intriga, scandal, kontrobersiya, o sadya lamang na sikat ang dating.

Tunay kang Pinoy, stylish!

In Photo: Hon. Eddie Gil